Pages

1/28/2011

Ang "Tics" at "Blahs" ng Buhay Ko (The Tics and Blahs of my Life)

By: Andrei Salazar (a customer service representative, diagnosed with Tourette Syndrome)

tic: nailingon ko ang aking ulo sa kanan; "nakita ko ang totoong mundo kong ginagalawan"

tic: bumaling naman ako sa kaliwa; "nakita ko ang mga taong nangungutya"
tic: naitaas ko ang aking ulo; "Diyos ko, ikaw ang dahilan ng lahat ng ito"
tic: bigla kong naibaba ang ulo ko; "At ako'y nangumbaba at nagdasal ng patuloy na pag-unawa ng kapwa ko".
tic: kaliwang braso ko'y naihampas sa hangin; "At doo'y nakitang humiling"
tic: kanang braso ko nama'y biglang naibaling ; "Nang aking nahawakan ang kapalaran na kayang abutin".

blah: tugon ko sa mga taong hindi pa nakakaintindi; ng mga bagay at tunay na nangyayari
blah: tugon ko uli para ipaalam ang mga bagay na dati ay ako lang ang nakakaalam.

tic; blah; tic; tic; blah; blah; blah: marahil ay isang awiting kami lang ang may alam; ng mga tono at liriko na kami lang ang nakagagawa.
tic; blah; blah; tic; blah; tic; blah: sa isang banda nama'y nananawagan; kami'y unawain at pakinggan; pagkat alam nami'y hindi bingi ang lahat; sa totoo naming tinig at nararamdaman....







.

0 comments:

PHILIPPINE TOURETTE SYNDROME ASSOCIATION's Fan Box

WHAT PEOPLE ARE SAYING